30

Mar 8, 2020 @ 15:58
By

Libreng sakay sa MRT-3 para sa kababaihan

Kaugnay sa selebrasyon ng International Women’s Day, nakiisa ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pamamagitan ng pamimigay ng Malasakit Help Kits at libreng sakay sa itinalagang oras para sa mga babaeng pasahero.

Katuwang ang Department of Transportation (DOTr), siniguro nila magiging espesyal para sa kababaihan ang nasabing okasyon na kung saan naglaan sila ng isang puwesto sa Cubao station, Shaw Blvd. station, Ayala station, and Taft station para mamigay ng kit.

Para mas maalala ang okasyon ay naglagay pa sila ng photo booth sa Ayala Station para sa mga nais magpakuha ng larawan.

Libre naman ang sakay sa tren bandang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at sa hapon ay alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi para sa mga nanay, ate, lola, tita, at lahat ng babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?