10

Aug 4, 2020 @ 18:49
By

Libreng sakay sa MECQ, balak ng NCRPO

Pinag-iisipan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na magkaroon ng libreng sakay para sa mga commuter sa Metro Manila ngayong sinailalim muli sa modified enhanced community quarantine ang rehiyon.

Saad ni Sinas, posibleng magkaroon ng libreng sakay dahil una na itong pinatupad noong unang mag-MECQ sa NCR.

“Siguro gagawa rin kami kasi noong nakaraang MECQ, mayroon din kaming Libreng Sakay as directed by the chief PNP,” ayon sa NCRPO chief.

Sa ilalim ng MECQ, suspendido ang operasyon ng halos lahat ng public transportation kung saan tanging tricycle lang ang pinapayagan depende sa direktiba mula sa local government unit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?