75

Mar 6, 2020 @ 19:05
By

Libreng sakay sa LRT-2 sa International Women’s Day

Sa pagdiriwang ng International Women’s Day (IWD), libre ang sakay ng mga kababaihan sa Light Rail Transit-2 (LRT-2) sa darating na Linggo, Marso 8.

“FREE RIDE for beautiful souls boarding the LRT-2 trains on Sunday, March 8, 2020, during the peak hours indicated below. Happy International Women’s Day!” sabi ng Light Rail Transit Authority.

Ang libreng sakay ay mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ayon sa website ng IWD, taon-taon itong ginugunita para ipagmalaki ang mga social, economic, cultural at political achievement ng mga kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?