77

Dec 29, 2017 @ 16:37

Libreng sakay sa LRT-1 sa Bagong Taon

Inihayag ng pamununan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na magbibigay sila ng libreng sakay sa Bagong Taon, Enero 1, 2018.

Sa isang statement, sinabi ng LRT1 operator Light Rail Manila Corp. (LRMC), makakasakay ng libre ang mga pasahero mula sa 7 a.m. haggang 9 a.m. and 5 p.m. hanggang 7 ng araw na iyon.

Sa may hawak na beepTM stored value card (SVC) maari din itong gamitin na hindi mababasan ang kanilang load habang ang mga single journey ticket (SJT) holders naman ay issyuhan ng cards na zero fare amount.

“SVC users can proceed directly to the entry gates of origin station and tap-in to enter. Passengers can enter even if current load is zero, as no purse load amount is required in SVCs during the free ride period,” sabi ng LRMC.

Ang SJT users ay maaring lumapit sa tellers teller’s booth kung saan sila puwedeng isyuhan ng SJT cards.

“There will be no SJT issuances over the ticket vending machines (TVM) during the peak hour free ride periods,” ayon sa LRMC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?