18

Dec 1, 2020 @ 21:30
By

Libreng sakay sa e-jeepney mula Pasay hanggang Maynila

Makatitipid ang mga bumibiyahe mula Pasay City patungong Manila dahil sa libreng sakay ng Global Electric Transport (GET).

Ito’y inanunsyo ni Pasay Mayor Emi-Calixto Rubiano nitong Martes kung saan nagpirmahan ng memorandum of agreement ang Pasay LGY at naturang kompanya.

“Malaki ang maitutulong nito kasi alam naman nating down ang economy natin. So sa pamamagitan ng ganitong tulong dahil wala pa masyadong masasakyan, ito magkakaroon na ng ibang ruta at libre pa,” saad ng alkalde.

Magsisimula ang libreng sakay sa Miyerkoles, December 2, sa rutang SM Manila-SM Mall of Asia at vice versa.

Ayon kay GET chief Dante Tinga, apat hanggang anim na electric jeepney ang kanilang isasalang na kayang magsakay ng 15 katao kada isa bilang pagsunod sa social distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?