4

Aug 4, 2020 @ 16:01

Libreng Sakay plano ng PNP sa NCR

Plano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa Metro Manila na apektado sa pagbabalik ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Mag-uusap ulit kami. Siguro nga i-consider namin kasi una massive respond deployment eh, dala `yong tao namin sa mga ano, mag-readjust ulit,” pahayag ni NCRPO chief Major General Debold Sinas sa isinagawang press briefing Martes ng hapon.

“Siguro gagawa rin kami kasi noong nakaraang MECQ, mayroon din kaming Libreng Sakay as directed by the chief PNP,” dagdag nito.

Sa ilalim ng MECQ na muling ipinatupad sa Matro Manila at karatig lalawigan katulad ng Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan ay suspindido ang operasyon ng mga mass transportation.

Halos karamihan sa mga manggagawa na kailangang pumasok ay naglalakad ng ilang oras patungo sa kanilang trabaho kung wala silang bisikleta o motorsiklo.

Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MECQ simula hatinggabi nitong Agosto 4, Martes, matapos na humiling ang medical community ng `time out’dahil na rin sa pagod na sila sa biglang pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula nang ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang halos karamihang lugar sa bansa.

Sumirit ang pinakamaraming nagpositibo sa Metro Manila at apat na lalawigang kalapit nito kaya napupuno na umano ang mga ospital ng mga COVID patient.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?