70
kawhi
By

Libreng pizza, beer habambuhay para manatili si Leonard sa Spurs

Sharing is caring!

Wala pang kasiguruhan kung babalik si Kawhi Leonard sa San Antonio, mukhang hindi pa magkasundo ang panig ng superstar at ng Spurs management.

Pero may isang kompanya na gumawa ng paraan para himukin ang dating Defensive Player of the Year para manatili sa San Antonio.

Nangako ang Freetail Brewing Company na bibigyan nila ng free beer at pizza ‘for life’ si Leonard kapag bumalik ito sa Spurs.

Bahagi ng open letter ng Freetail (@freetailbrewing) sa Twiiter: “So here’s the deal. Let’s just forget about this past season. We want you back, and to prove it we’ll give you free pizza and beer for life. No joke.”

Tuloy ang offer kung mananatili si Leonard sa San Antonio “next season and beyond.” Dati na ring ipinain ng Freetail ang parehong offer kina Tim Duncan at LaMarcus Aldridge nang pinag-uusapan ang kani-kanilang kontrata, pero hindi kinagat ng dalawa.

Huling nabanggit ni Leonard, “for sure” ay gusto niyang manatili sa San Antonio.

Pero hindi mawala ang tsismis na posibleng lumipat na siya. Under contract pa siya sa Spurs sa susunod na season, at puwedeng ma-extend sa five-year $219 million supermax extension ngayong July.

Siyam na laro lang si Leonard nitong 2017-18 season, nasa New York para ipagpatuloy ang rehab sa kanyang quadriceps injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?