36

By

Libreng parking fee, isinusulong sa Kamara

Sharing is caring!

Pinaaaksiyunan ni Manila Rep. Manuel ‘Manny’ Lopez sa liderato ng Kamara ang kanyang panukala na naglalayong ilibre ang customers sa pagbabayad ng parking fees sa mga shopping mall at iba pang establisyimento.

Sa ilalim ng House Bill No. 5061, ililibre na ng parking fee ang mga parokyano kung umabot sa P500 ang halaga ng kanilang binili o ginastos sa malls, markets, fairs, shops at mga ospital.

Ayon kay Lopez, ginagawa na ito ng ilang establisyimento kung saan nagkakaroon ng validation ng parking ticket at libre kapag umabot sa minimum spending ang customer.

Itinatakda ng panukala ang pagkakaroon ng parking validation desk sa lahat ng sakop na establisyimento para malaman kung kuwalipikado ang customers sa free parking.

Kapag naisabatas, ang lalabag dito ay maaaring makulong ng isang araw hanggang isang taon at magmumulta ng halagang P1,000 hanggang P.5M depende sa kung anong posisyon ng violator.

Sinabi ng kongresista na napapanahon nang simulan ang pagtalakay sa kanyang bill dahil Christmas season na naman kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng customers sa mga mall at tiyak pahirapan ang parking. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?