41

By

Libreng pagkain para sa mga batang Pinoy, batas na

Sharing is caring!

Ganap ng batas ang Republic Act no. 11037 o ang “Masustansiyang Pagkain para sa mga Batang Pilipino” na turugon sa problema sa malnutrisyon ng maraming mga batang pinoy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang paglagda sa batas ay malinaw na patunay sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng maayos na nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ang bawat batang Pinoy.

Kinikilala aniya ng Duterte administration ang importansiya ng nutrisyon sa mga bata para maging maayos at malusog ang kaisipan at pisikal na pangangatawan ng mga ito.

“The signing of Republic Act No. 11037, otherwise known as the “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” is a clear proof of the President’s dedication to afford every Filipino child of the right to proper healthcare and nutrition benefits. It is a testament that the Duterte administration recognizes the importance of good nutrition to our children’s ability to develop into physically and mentally healthy individuals,”ani Roque.

Si Roque ang principal sponsor ng batas noong nasa Kongreso pa ito at nagagalak aniya siyang maipatutupad na ito sa buong bansa.

Nakapaloob sa pinirmahang batas ang pagpapatupad ng gobyerno ng National Feeding Program para sa lahat ng mga undernourished na mga batang nag-aaral sa day care, kindergarten at maging sa mga elementarya.

Sinabi ni Roque na layon ng batas na malabanan ang problema ng kagutuman at malnutrisyon sa mga bata dahil maituturing na kasalanan ng gobyerno kung hindi magamit ang bilyon bilyong pisong budget gayong mayroong mahigit anim na milyong mga batang dumaranas ng matinding malnutrisyon dahil sa kahirapan at kagutuman.

“We aim to combat hunger and undernutrition among the youngest members of our society, for we consider it a sin for the government to be unable to spend billions worth of budget while around six million Filipino youths suffer from acute malnutrition. We therefore welcome the passage of this law to safeguard them from the ill effects of undernourishment and subsequently enhance their learning capacities,” ani Roque.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?