2,117
Libreng libing para sa lahat nais ipatupad ni Duterte
By

Libreng libing para sa lahat nais ipatupad ni Duterte

May isa umanong pangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng Pilipino na hirap niyang sabihin dahil hindi magandang pakinggan, ito ang libreng libing para sa mga mamamatay.

Saad ni Duterte, pinlano niya umanong iimplementa ang universal burial plan bilang complement sa universal health care program.

“We promised you universal health care. Nandiyan na. Ang hindi ko lang na promise sa inyo kasi ayaw ko, parang it leaves a bad taste in the mouth to say it, na pagkatapos ng health care, lahat ng patay libre na rin ang libing,” ani Duterte sa isang talumpati nito sa Isabela.

Saad ni Duterte ang mga matatanda at may sakit ay maaappreciate ang free burial program dahil karamihan sa mga ito ay ayaw na mahirapan ang kanilang mga maiiwan sa mga gastusin sa pagpapalibing.

“Pangit pakinggan eh. I know that people will appreciate it lalo na ‘yung matatanda na may sakit, at least sabihin niya, ‘Sige paalamin mo lang si Duterte namatay na ako’. Universal is all. So universal burial. Hindi ko lang masabi ‘yan,” saad ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?