75

Oct 30, 2017 @ 13:41

Libreng eyeglasses sa seniors, inmates sa Navotas

Pinagkalooban ang nasa 500 senior citizens at mga preso ng Navotas City Jail ng libreng eye check-up at eyeglasses bilang bahagi ng 2017 World Sight Day na ginanap sa Navotas Sports Complex kamakalawa ng hapon.

Pinangunahan ang pamamahagi ng libreng eyeglasses ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lungsod kasama sina Dra. Ruby Lim at Office of the Senior Citizen Affairs Chief Linda Ramirez.

Naisakatuparan ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng Holy Grace Christian Church at Heart to Heart International at Korean Foundation International Heart Care, umabot naman sa 350 inmates ng city jail ng lungsod ang nasukatan at nabiyayaan din ng libreng salamin at may mga nakatakda pang i-deliver sa piitan anumang oras.

Nagpasalamat naman ang mga lolo at lola sa ibinigay na libreng ‘Sagip Mata’ na mapapakinabangan nila at magsisilbing gabay sa kanilang katandaan. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?