289
mr-trabaho-joel-villanueva
Jun 3, 2018 @ 14:15
By

Libreng Edukasyon, Magandang Trabaho

Ang de-kalidad na edukasyon at training para sa lahat ay pundasyon po ng matatag at magandang trabaho.

Kayaʼt natutuwa po tayo dahil mas maraming Pilipino ang makikinabang sa libreng college at tech-voc sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Hunyo.

Wala na pong babayarang tuition at miscellaneous fee ang mga estudyante ng state at local universities and colleges at mga tech-voc institutions simula ngayong pasukan.

Bunga po ito ng napakagandang batas na sinulong natin sa Kongreso, ang RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Nilagdaan po ng CHED ang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng naturang batas noong nakaraang Marso. Sakop po nito ang 112 SUCs, 78 LUCs at mga tech-voc schools.

Noong 2017, may nauna na pong P8.3-bilyong pisong pambayad sa tuition ng mga mag-aaral sa SUCs. Ngayong Hunyo, sisimulan naman po ang libreng miscellaneous fee na kalimitang pinuproblema ng mga mag-aaral tulad ng bayad sa library, computer o laboratory, medical at dental service, guidance service at maging ang pagkuha ng school ID.

Ngayong first year of implementation o school year 2018-2019, may 40-bilyon pong inilaan sa budget kung saan P16-bilyon ang para sa universities and colleges, P7-bilyon para sa tech-voc, P15-bilyon para sa tertiary education subsidy (TES), 1-bilyon para sa student loan program, at iba pa.

Para makapag-avail po ng free tuition at miscelleneous fee, kailangang makapasa sa admission at retention requirement ng eskwelahang papasukan, wala pang ibang undergraduate degree at hindi rin overstaying student.

Tinanggal rin ang income requirement na kinakailangan para maging kwalipikado sa programa. Iyon naman pong may kakayahan o financially-able students, maaari pong magopt-out o hindi na sumali sa programa.

Sa mga kababayan po nating hindi pa rin sapat ang free tuition at school fees, mabibigyan din po sila ng allowance o stipend.

Ayon sa CHED, may makukuhang P40,000 ang mga mag-aaral sa state university at P60,000 naman kung naka-enrol sa private university kada taon. Hahatiin po ito sa loob ng 10 buwan.

Naniniwala po tayong ang libreng matrikula at miscellaneous fee ay tulong-trabaho sa ating mga kababayan. Kung lahat ay may oportunidad para makapag-kolehiyo o techvoc, mas marami ang magkakaroon ng tyansa para makakuha ng magandang trabaho at umasenso sa buhay.

Job Fair Schedule
Gitagum 57th Foundation Anniversary Job Fair
Gitagum Municipal Ground
Gitagum Misamis Oriental
June 5
Floridablanca Job Fair
Floridablanca Sports Complex
Brgy. Poblacion, Floridablanca, Pampanga
June 4
LGU-Gubat, Sorsogon Job Fair
Rolando Andaya Multi-Purpose Gymnasium
Gubat, Sorsogon
June 5
DMMMSU – Mid La Union Job Fair
Dmmmsu Mid Covered Court
Catbangen, San Fernando City
June 7
PESO-Silay City Job Fair
Sen. Jose C. Locsin Cultural and Civic Center
Silay City, Negros Occidental
June 7
Cebu City PESO Job Fair
Brgy. Tisa
June 8
PESO Carmen Job Fair
Carmen Municipal Gymnasium
Carmen, Davao del Norte
June 8
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?