21

Jul 15, 2020 @ 12:18
By

Libreng drive-thru rapid test sa Maynila

Naglunsad ng libreng drive-thru test para sa mga motorista si Manila Mayor Isko Moreno upang maalis ang pagkabahala at agam-agam ng mga residente sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Moreno, kayang magsilbi ng mahigit 16,000 motorista sa loob ng isang linggo gamit ang machine na mas mayroong konklusibong resulta kaysa sa ordinaryong rapid test at mas kapani-paniwala katulad ng polymerase chain reaction (PCR) machine.

Kinakailangan lamang na pumirma ng form at magpakita ng identification card (ID) ang mga intresadong motorista at maghintay ng medical personnel na kukuha ng kanilsng blood sample at ia-analisa ng bagong biling Architect plus i1000 SR machine mula sa Abbott Laboratories.

Apat umanong medical technologist ang mangangasiwa sa inisyal na operasyon ng drive-thru test mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon kada araw.

Tatawagan ang mgq motorista para malaman ang resulta ng kanilang rapid test sa loob ng 24 oras at confidential ang anumang impormasyon.

“If the result is positive, the person concerned will be given instructions on what to do. Depending on his condition and the symptoms he manifests, he may be taken by the city government to the nearest quarantine facility for the purpose of isolating him so as not to infect his family and community members and then treated accordingly,” ayon kay Moreno.

“Marami ngayon sa ating mga kababayan ang napa-praning, naii-stress kakaisip. So, para mabigyan natin sila ng kapanatagan, iniaalay namin itong bagong sistema ng testing. Libre ito para sa ating mga taga-lungsod,” dagdag pa ni Moreno.

Gagamitin aniya ang dalawang bagong machine na binili ng lokal na pamahalaan kamakailan na may 99.6% specificity at 100% sensitivity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?