31

Apr 20, 2020 @ 18:55
By

Libreng cremation service para sa mga binawian ng buhay sa COVID-19

May libreng cremation ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga pasyenteng binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa ulat ng DZRH, simula noong Marso 22 ay 37 ang nasawi na person under investigation (PUI) sa COVID-19 sa Navotas City ang na-cremate nang libre.

Ang cremation services sa NavoHimlayan ay nagkakahalaga ng P12,000 hanggang P18,000.

“Mahal ang cremation at maaaring masaid nito ang ipon ng isang pamilya, lalo na sa panahon ngayon na kinakaharap natin ang krisis na ito. Sa pamamagitan ng NavoHimlayan, hangad nating maibsan kahit papaano ang pasanin ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19,” saad ni Mayor Toby Tiangco sa panayam ng DZRH. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?