32

Nov 30, 2020 @ 17:52
By

Libreng cholesterol, diabetes check-up sinusulong ni Defensor

Itinutulak ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na agad na maipasa ang kanyang panukalang batas na nagbibigay ng libreng check-up sa mga Pilipino lalo na ang mga walang kapasidad magpatingin ng kanilang cholesterol at diabetes.

Sa programang “Kumustahan at Kwentuhan” ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Defensor na sa kanyang “Free Annual Medical Check-Up Act of 2019” ay sasakop sa blood sugar at cholesterol tests, na sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kung aaprubahan ito ay libre ang check-up kada taon.

Sinabi ni Defensor na maraming mga Pinoy ang mataas ang cholesterol na siyang risk sa atake sa puso, na nangungunang sakit na kumikitil sa mga Pinoy.

Bukod diyan ay kailangan ma-monitor ang diabetes ng mga Pinoy dahil ang Pilipinas ay panlima sa likod ng China, Indonesia, Japan at Thailand sa bilang ng mga may diabetes.

“Malaki ang maitutulong nito sa pangangalaga ng mga kalusugan ng bawat Pinoy lalo na ang hindi kaya ang magpatingin na imbes gumastos sa pagpapatingin o check-up ay gagamitin ang pera pambili ng pagkain,” sinabi ni Defensor.

“Sa ganitong paraan, alam mo Jon, makakatulong sa mga mahihirap,” sinabi pa ni Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?