15

Aug 5, 2020 @ 9:24
By

Libreng bike repair station kinalat sa QC

Ngayong suspendido ulit ang mass transport, nagkabit ang Quezon City local government ng mga libreng one-stop bike repair station sa ilang lugar sa lungsod.

Nakapuwesto ang mga ito sa gilid ng kalsada sa Commonwealth Avenue, Katipunan area, Araneta, Anonas, Aurora Boulevard, E. Rodriguez at iba pa.

Pwedeng pakinabangan sa mga nasabing istasyon ang ilang gamit gaya ng screwdriver, air pump, at wrench.

Lampas 2,000 bikers ang bumabaybay sa mga main road sa Metro Manila, partikular na sa EDSA, sabi ni MMDA Traffic Chief Col. Bong Nebrija sa isang ulat.

Mula Agosto 4 hanggang 18, nakasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, gayundin ang mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?