53

Feb 17, 2018 @ 20:52
By

Libre sa ospital ang Dengvaxia kids – Duque

Pinawi ni Health Secretary Francisco Duque III ang pangamba ng mga magulang ng 800,000 bata na nabakunahan ng Dengvaxia kapag naospital ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Duque na maaaring i-confine nang libre sa mga pampubliko at pribadong ospital ang mga bata sakaling sila ay magkasakit.

Nagpahayag ng pangamba ang mga magulang na maaaring wala silang maipambayad sa ospital kapag ang kanilang bill ay sumobra na sa alokasyon ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.

Una nang inihayag ng Sanofi-Pasteur, ang gumawa ng Dengvaxia, na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot hanggang sa kamatayan ng nabakunahan kapag napatunayan na ang pagkakasakit ay dahil sa epekto ng kanilang anti-dengue vaccine.

Sinabi na rin ni Duque na maaaring sagutin ng PhilHealth ang hanggang P16,000 hospital bill, ngunit aniya ang labis na gastusin dito ay dapat bayaran ng Sanofi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?