55

Mar 6, 2020 @ 12:06
By

Libong tao delikado! Lalaki na may coronavirus, pumunta sa rock concert

Hindi naawat ang isang lalaki na makirakrakan sa isang rock concert kahit pa nagpositibo na ito sa coronavirus.

Ayon sa health authority ng New Zealand, ang lalaki ay nagpositibo sa COVID-19 na kanyang nakuha sa dyowa na mayroon din ng nasabing virus.

Noong February 28 dumalo sa concert ang lalaki ng bandang Tool sa Spark Arena sa Auckland.

Tinatayang libo ang dumalo sa masabing concert dahil capacity crowd ang naging tugtog ng banda.

“He was in the general admission standing area in the front left-hand quadrant,” ayon kay Dr Ashley Bloomfield, ministry of health director-general of health. “We encourage people who were in the general admission standing area to be aware of symptoms of Covid-19.”

Ngayon ay naka-quarantine na ang lalaki, na bumalik na sa Italy.

Inabisuhan ang mga nagpunta sa concert na bantayan ang sintomas ng coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?