20

By

Libong Pinoy dumagsa sa Intramuros para sa heart relic ni St. Padre Pio

Sharing is caring!

Dinumog ang Plaza Roma sa Intramuros ng libo-libong deboto upang makahalik, makahawak, o makasulyap man lang sa heart relic ni Santo Padre Pio kahapon.

Karamihan sa mga pumunta ay halos apat hanggang limang oras na naghintay upang makalapit sa nasabing reliko ng santo.

Ayon sa mga awtoridad, abot sa 7,000 katao ang nakipagkiskisan dahil sa paniniwalang ang paghalik, o ang paghawak sa nasabing heart relic, ay magdadala ng milagro o makapagpapagaling ng sakit na pinaniniwalang kapangyarihan ni Padre Pio.

Ang Pilipinas pa lamang ang ikaapat na binisita ng reliko, nauna sa USA, Paraguay at Argentina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?