32
views

By

Libong Pinoy, baka mawalan ng trabaho sa paghina ng export sector – solon

Sharing is caring!

Nagbabala si Kabayan partylist Rep. Ron Salo sa posibilidad ng tanggalan sa trabaho kasunod nang pag-amin ng gobyerno na negative growth rates ang export sector.

Hindi makapagbigay si Salo ng eksaktong bilang ng mga manggagawa na posibleng maapektuhan pero maaari anya itong umabot ng libo.

Ayon sa kongresista, triple whammy ang humahagupit ngayon sa bansa — ang paghina ng export, pagtaas ng import at sa gitna pa naman ng mababang halaga ng piso.

Kailangan anyang agapan ng economic managers ang sitwasyong ito lalo pa at maraming trabaho ang nakadepende sa export sector.

Sabi ni Salo, hindi kakayanin ng ekonomiya ng Pilipinas kapag nagpatuloy ang negative growth sa sektor na ito.

Kaya naman hinimok ng mambabatas ang gobyerno na maghanap ng bagong export markets.

Nariyan anya ang mga itinuturing na major new export frontiers na kinabibilangan ng Africa, Korea, Eastern Europe, ilang Soviet Republics, UAE, Bahrain at ang Caribbean. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?