50

Dec 22, 2017 @ 17:01
By

Libong pamilya, isinailalim sa preemptive evacuation dahil kay ‘Vinta’

Aabot sa 4,300 mga pamilya ang isinailalim na sa preemptive evacuation dahil sa epekto ng bagyong Vinta sa Mindanao.

Habang 6,405 ang stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Ang mga pantalang ito ay sa Port of Manila, Cebu, Tagbilaran, Surigao, Cagayan de Oro, Ozamiz, Dapitan, Butuan, Western at Southern Leyte, at Dumaguete.

Patuloy naman ang paalala ng NDRRMC sa mga residente na ang lugar ay sentro ng bagyo na mas maging alerto.

Samantala, sa epekto naman ng bagyong Urduja, 12 lugar na ang isinailalim sa state of calamity.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, malaki ang tinamong pinsala sa Ormoc City, Tacloban City, Sta. Fe, Leyte; Biliran; Tanauan, Leyte; Zumarraga sa Samar; Llorente; Barugo; at sa buong lalawigan ng Eastern Samar, Northern Samar at Samar. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?