21

Jan 9, 2021 @ 14:28
By

Libong deboto delikado! Pista ng Nazareno nangangamoy COVID superspreader

Milagro ang kailangan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa dagsa ng tao sa Quiapo Church kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Poong Itim na Nazareno nitong Sabado, Enero 9.

‘Yan ang paniniwala ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na sinabing hindi aktong Kristiyano ang paglalagay sa panganib ng ibang tao lalo’t posibleng maging super spreader event ang naturang kapistahan.

“We’re really going to need a #miracle to stop a superspreader event in Quiapo right now. Please don’t go. Aren’t we supposed to watch out for each other?” giit ni Salvana.

Ayon naman sa dermatologist na si Dr. Winlove Mojica, na sa pagdagsa ng tao sa Quiapo, nasayang din ang ilang buwan na lockdown sa bansa.


Tingin ni Senate President Vicente Sotto III, hindi mapipigilan ang mga deboto na magtungo sa Quiapo kahit pa pinagbawal ang Traslacion, lalo’t parte na ito ng kanilang nakagawiang debosyon kada taon.

“Ang mga deboto makisama na lang sa health protocol… Alam ko feeling ng deboto eh, meron siyang thinking na tama naman which is God is in control ganun. Nadadaan lahat sa dasal,” saad ni Sotto sa panayam ng DWIZ.

Sa huling tala ng Manila Police District, aabot na sa 400,000 deboto ang pumunta sa Quiapo Church umaga pa lang ng Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?