111

Nov 5, 2017 @ 13:12

Libo-libong security personnel dumalo sa send-off ceremony para sa ASEAN Summit

Nagtipon-tipon kahapon ang libu-libong mga security personnel sa Quirino Grandstand sa Luneta para send-off ceremony ng mga ipakakalat sa idaraos na 31st Association of Southeast Asian Nations Summit.

Bago ang pagpapakalat sa mga miyembro ng Philippine National Police, mga kawani ng Metro Manila Development Authority, Bureau of Fire Protection at Department of Public Works and Highways sa ibat-ibang unit formation ay nagsagawa muna nang banal na misa.

Ang mga naturang law enforcers ang magbabantay sa seguridad ng pagtitipon ng mga lider ng ibang mga mga nasyon na kasapi ng ASEAN na gaganapin sa Lungsod ng Maynila at Pasay City.

Naghanda naman ang mga awtoridad ng patrol bikes, police cars, fire truck, ambulansya at sasakyang-pandigma sa lugar.

Matapos ang seremonya, ipapakalat ang mga pulis sa kanilang mga assignment sa Maynila para sa paghahanda sa nasabing event. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?