52

Jul 17, 2021 @ 11:16
By

Libo-libong illegal immigrant sa US nanganganib ma-deport

Sinuspinde ng isang federal judge sa Texas ang immigration program na nagpoprotekta laban sa deportasyon ng libo-libong undocumented young adult immigrant sa Amerika.

Nilikha ni dating US President Barack Obama sa pamamagitan ng executive order noong 2012 ang Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) program.

Layon ng DACA na protektahan ang mga illegal immigrant na pumasok sa US bilang minor at tinatawag na “Dreamers” na pabalikin sa bansang pinanggalingan basta dumating sila sa Amerika bago mag-16 anyos o nag-apply para sa programa bago ang edad 30.

Noong Biyernes, pinatigil ni Federal Judge Andrew Hanen ang pagpoproseso at pag-apruba sa mga bagong application para sa DACA.

Ayon sa Rolling Stone report, mayroong nakatenggang 80,000 DACA applications sa US Citizenship and Immigration Services simula nang ibalik ang programa noong December 2020, matapos itong subukang lusawin ni dating US President Donald Trump.

Ngayon ay nanganganib muli ang DACA matapos panigan ni Hanen ang grupo ng mga state na sinusulong na lusawin ang programa dahil iligal umano itong nilikha ni Obama.

Samantala, ligtas sa desisyon ni Hanen ang mga dati nang naaprubahan sa DACA. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?