493

Jun 21, 2019 @ 15:28
By

Libo-libong fans nagpetisyon para kay Keanu Reeves

Kamakailan nang maging “favorite” boyfriend sa internet si “John Wick” star Keanu Reeves dahil sa pelikulang “Always Be My Maybe”.

Ngayon naman ay nagkakaisa ang mahigit 33,000 fans para ipanawagan na gawing “Person of the Year” ng Time Magazine nitong 2019 ang “Matrix” actor.

Gumawa sila ng iba’t ibang petisyon online gaya ng Change.org para rito.

“Keanu is the most wholesome person alive,” sabi ng username Jackson Breem sa petisyon sa Time.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?