62
arrested-
Oct 15, 2017 @ 13:52

Liberian timbog sa maleta ng pera

Inaalam na ng awtoridad kung may mga kasabwat pa ang naarestong Liberian national na nagbenta ng isang maleta na diumano’y puno ng US dollars.

Base sa ulat, naaresto si Jerry Jefferson sa pamamagitan ng entrapment operation sa Shangri-La Hotel Makati alas-11:30 ng tanghali kamakalawa.

Inireklamo siya ni Rickie Ng ng extortion at estafa.

Base sa salaysay ni Ng, napaniwala siya ni Jefferson na may hawak itong maleta na may lamang milyong halaga ng US dollars.

Aniya, nagkasundo sila na bibilhin niya ang maleta sa halagang P800,000.

Nanghingi ang suspek ng P300,000 ngunit nadiskubre na ni Ng na walang maleta na puno ng dolyares kaya’t nagsumbong na ito sa Makati City Police. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?