43
liberal-party
By

Liberal Party kay Duterte: Hindi kami power-grabber!

Sharing is caring!

Mariing itinanggi ng Liberal Party (LP) ang paratang na balak nilang agawin ang kapangyarihan ng Duterte administration.

Ayon kay Erin Tañada, Vice President for External Affairs ng LP, hindi sila naglalaway sa poder ni Pangulong Rodrigo Duterte

Una rito, sinabi ni Duterte na ginugulo ng LP ang gobyerno dahil gusto nilang mabalik sa poder.

Sinabi ni Tañada na nagpapalutang lang ng destabilisasyon ang Duterte administration kapag may gusto itong itago o pagtakpan.

“Tuwing may kapalpakan sa administrasyong ito, nililihis ang atensyon at nag-aakusa ng destabilisasyon laban sa oposisyon,” sabi ni Tañada.

Idiniin na gasgas na ang script ng Duterte administration na laging ibinabaling sa LP ang sisi at galit kapag hindi nito maresolba ang mga problema ng bayan.

“In reality, this government script is cliché. When the LP is being blamed, expect that the administration is hiding something,” dagdag nito.

Giit ni Tañada sa Pangulo, kaysa pagdiskitahan na naman ang LP, gamitin na lang ang oras at enerhiya sa pagresolba sa mga problema ng bayan gaya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Atupagin din umano dapat ng Pangulo ang paglikha ng trabaho na may disenteng suweldo at benepisyo, pababain ang presyo ng bigas at gawing ligtas ang mga lansangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?