trillanes-duterte
By

Libel vs Trillanes, ikakasa ni Paolo Duterte

Sharing is caring!

Magsasampa ng kasong libelo, criminal and civil complaints si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte laban kay Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa malisyosong pag-uugnay sa kanya nito sa smuggling ng P6.4 bilyong halaga ng shabu noong nakaraang taon.

Diin ng anak ng Pangulo, sobra na ang ginagawang pag-iimbento at pagpapakalat ng maling impormasyon at paninirang-puri ang ginagawa ng senador laban sa Pangulo at sa mga anak nito.

“Senator Trillanes manufactured lies and deliberately spread these lies with the obvious intention of destroying my name and maligning my reputation, with a view to impacting negatively against our beloved President,” ani Paolo.

Hindi na umano makatarungan ang ginagawa ng senador na pang-aabuso sa kaniyang parliamentary immunity at halatang may intensiyon si Trillanes na sirain ang pamilya Duterte.

Matatandaang noong Disyembre 2017 ay una nang nagsumite ng civil damage case laban kay Trillanes si Paolo kaugnay naman sa alegasyon ng una na graft and corruption.

Kasama ni Paolo ang kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio na nagsampa ng kaso laban kay Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?