203

Oct 23, 2017 @ 18:39

Libel case vs Trillanes, kinatigan ng DOJ

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong libelo si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay na pahayag nito sa media noong 2015 laban kay dating Vice President Jejomar Binay.

Ang impormasyon ay inaprubahan ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at isinampa sa Makati Regional Trial Court Branch.

Ang libel case, na inihain ni Binay noong Setyembre 2015, ay nag-ugat sa pahayag ni Trillanes sa Philippine Daily Inquirer na uungkatin ng Senate blue ribbon committee ang diumano’y P100 milyong racket nito sa Makati City.

Inilabas ni Trillanes ang pahayag noong kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado sa overpriced projects na Makati City, kabilang Makati City Hall parking building at Makati Science High School, na nagresulta sa hiwalay na kasong graft laban sa dating Bise President at anak nitong si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Si Trillanes ay nakabinbin pang kasong libelo sa Makati RTC Branch 142 na inihain ni Junjun Binay. Ito’y kaugnay ng pahayag ni Trillanes noon na bahagi ng sindikato ang pamilya Binay.

Wala pang komento si Trillanes kaugnay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?