Nakalasap din ang Plaza Miranda sa Manila City ng libreng restorative cleanup ngayong Martes, Disyembre 10.
NEWS ALERT: Ilang taong libag sa Plaza Miranda, tapat ng Quiapo Church, tinatanggal na!
Sa tulong ng Karcher Inc., nagsagawa ng flushing operations ang Manila City government bilang paghahanda sa darating na Traslacion 2020. | via KR De Asis/MPIO#BagongMaynila pic.twitter.com/KBRCADZ34B
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) December 10, 2019

Pinaliguan ng Germany-based cleaning company Kärcher Inc. ang plaza na katapat ng Quiapo Church ngayong umaga, ayon sa tweet ng Manila Public Information Office.
Ginawa umano ng Manila government ang flushing operations bilang paghahanda sa darating na Enero, kung kailan gaganapin ang Traslacion 2020.
Una nang nilinis ng Kärcher ang facade at kumbento ng San Agustin Church sa Intramuros noong nakaraang buwan.
Gumagamit ang kompanya ng high water pressure na may mainit na tubig at steam upang tanggalin ang mga lumot sa gusali.
Ilan lamang ang dalawa sa mga historical landmark sa Pilipinas na nilinis ng Kärcher, matapos ang Rizal Monument at People Power Monument. Parte ito ng kanilang cultural sponsorship program na tinatawag na “Karcher Cleans the World.”