85

Dec 5, 2017 @ 13:36

LiAngelo, pinaalis na ni LaVar Ball sa UCLA

Ayaw nang palaruin ng kanyang ama na si LaVar Ball si LiAngelo Ball sa UCLA.

Ayon sa TMZ Sports, pinaalis na ni LaVar ang kanyang anak sa UCLA basketball team at hindi na rin umano magiging estudyante nito.

Kaugnay ito ng pagkakasuspinde ni LiAngelo sa team matapos mag-shoplift sa China kung saan na-house arrest pa ito at kalaunan ay napakawalan matapos sagipin ni US President Donald Trump.

Sa panig ng ama nitong si LaVar, hindi umano makatarungan ang suspensiyon sa kanyang anak dahil binawi na ang kaso laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?