18

Sep 8, 2021 @ 15:17
By

Liam Payne may hirit kay Zayn Malik

Matapos ang anim na taon, muling binalikan ni Liam Payne ang panahong iniwan ni Zayn Malik ang kanilang banda na One Direction.

Sa isang TikTok video niya, makikita siyang nili-lipsync ang “Are we absolutely sure what direction we’re going?” habang may nakasulat na “[Point of view:] The meeting after Zayn quit. I forgot I had this in drafts.”

@liampayne

##sunshine 😂😂😂 forgot I made this a while ago hope you see the funny side

♬ original sound – ava

“Forgot I made this a while ago hope you see the funny side,” saad niya sa caption ng video.

Kasalukuyang may mahigit 5 milyon likes na ang naturang video.

Matatandaang nilisan ni Zayn ang 1D taong 2014.

Sa ngayon, bukod kay Liam, nagkanya-kanya munang karera sa paggawa ng musika ang kanyang mga bandmates na sina Harry Styles, Niall Horan at Louis Tomlinson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?