40
police-tape
By

Liaison officer, natagpuang patay sa loob ng bahay

Sharing is caring!

Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang 39-anyos na lalaki matapos itong makitang wala nang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan sa No. 2580 Granate St., Sta. Ana, Manila.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Elgin Ray Gamboa, ng Dagonoy Police Community Precinct ng Sta. Ana Police Station 6, alas-6:30 ng gabi nadiskubre ang patay nang si Arnold Jimenez, 39-anyos, noong Biyernes.

Ayon sa saksi na si Daniel Egina, 27, factory worker at roommate ng biktima, huli niyang nakitang buhay si Jimenez pasado alas-kuwatro ng madaling-araw ng Biyernes nang umalis siya para pumasok sa trabaho.

Pero pag-uwi niya pasado alas-sais ng gabi sa kapareho ring araw, nadatnan niyang wala nang saplot pang-itaas, naka-shorts at may dugo sa bibig ang biktima.

Samantala, tumanggi naman ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Nerlinda Legazpi, isang barangay treasurer, na imbestigahan pa ang pagkamatay ng kanyang utol.

Sinabi na lamang nito sa mga pulis na dati nang na-diagnose ang biktima na may hypertension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?