26

Oct 25, 2021 @ 17:00
By

LGUs payagan bumili ng sariling bakuna—Rodriguez

Nanawagan si House Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., na payagan na ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang sariling COVID-19 vaccine.

Ayon kay Rodriguez, mayroong mga vaccine manufacturer na payag na magbenta sa mga LGUs pero hindi umano inaasikaso ni Galvez ang kanilang mga multi party agreements (MPAs) kaya hindi ito nangyayari.

Sinabi ni Galvez na nasa 15 local government units (LGU) ang nagsumite ng MPA pero hindi pinoproseso ng tanggapan ni Galvez.

“The problem here is that they feel they are not sufficiently receiving the vaccines from Manila, from the national government. There is a need for them to buy because their residents are asking, they want to be vaccinated already,” sabi ni Rodriguez sa panayam sa telebisyon.

Hindi umano tama na sabihin na ayaw bentahan ng mga manufacturer ang mga LGU.

“Certainly the manufacturers can directly give to the LGUs. We have manufacturers (like) AstraZeneca, we have also Moderna and Sinovac, they are ready to send directly to the LGUs, and also Covaxin of India. So that is not correct that they are not willing to give directly,” wika pa ni Rodriguez.

Ipinunto rin ni Rodriguez na simula noong Oktobre 1 ay pinapayagan na ng pamahalaan ng India ang mga vaccine manufacturer nito na magbenta ng COVID-19 vaccine sa ibang bansa.

“We again implore our Secretary Galvez to sign the LGU MPAs so that they can get directly from the manufacturers and also the private companies,” wika pa ng solon.

Mahigit 100 pribadong kompanya rin umano ang nais na bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado pero hindi nabibigyan ng MPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?