47

Oct 1, 2017 @ 17:47

LGUs na hindi nag-liquidate ng DSWD funds, ipapahiya ni Legarda

Kinukunsidera ni Senadora Loren Legarda na magsagawa ng shame campaign laban sa mga local government executives na bigong ma-liquidate ang pondong ibinigay sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Gusto ko ngang i-publish, ipalalagay ko sa online lahat ng LGUs na hindi nagli-liquidate ng kanilang DSWD funds that they are making poor people suffer,” sabi ni legarda, chair ng Senate finance committee, sa panayam sa radyo kahapon.

Ang tinutukoy ng Legarda ay ang DSWD funds na nanatiling unliquidated ng ibat ibang LGUs nitong nakalipas na anim na taon, gayundin ang P2.9 bilyong inilaan para sa supplemental feeding ng mahihirap ng mga bata sa bansa.

“The DSWD is not be blamed here because alam nating limited and kanilang plantilla position, so they are in partner with the LGUs at sila nagli-liquidate, ang iba sa kanila iyon ang mali,” ayon kay Legarda.

Aniya, hindi mali-liquidate ang naturang pondo, posibleng magresulta ito sa paghinto ng nasabing programa.

“Ang dahilan nila, iba na angmayor at iba na ang staff kaya hindi makapag-liquidate. I ask them to find a way that is legal and allowed so that the children dont suffer,” sambit pa ng senadora. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?