123
ABANTE aaron aquino pdea transport illegal drugs
Jun 5, 2018 @ 19:25
By

LGUs, gov’t execs nasa bagong PDEA ‘drug list’

Inihayag kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na may 93 katao, na kinabibilangan ng mga government employees, congressmen, mayors, vice mayors, opisyal ng military at pulis, at mismong PDEA officials, ang nasa bagong drug list.

Ito ang kinumpirma ni PDEA chief, Director General Aaron Aquino sa ginanap na press conference, na sa kanilang bagong listahan ay mayroon ring anim hanggang pitong kongresista na isinasangkot sa iligal na droga, 60 mayor, vice-mayors, at maging mga military at police officers.

Bukod dito, mayroon rin aniyang 17 elected officials at mismong PDEA officials ang kanilang binabantayan ngayon.

Sinabi ni Aquino, ang mga pangalang nasa listahan ay incumbent officials na nakatalaga sa sa Calabarzon, Northern Mindanao at maging sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Gayunman, tumanggi ang PDEA chief na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa sila ng case build-up sa mga naturang indibiduwal bago tuluyang kasuhan ang mga ito.

Matatandaang noong Abril ay una nang ibinunyag ng PDEA ang pangalan ng may 207 barangay officials na umano’y sangkot sa aktibidad ng iligal na droga, subalit may 60 pa rin umano sa kanila ang nakalusot at nanalo sa katatapos na May 14 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?