14

Jul 10, 2021 @ 13:25
By

LGU may sey pa rin sa paglabas ng batang edad 5 pataas

May kalayaan pa ring magdesisyon ang mga local government unit (LGU) kung papayagan na o hindi na makalabas ang mga batang edad 5 pataas.

“Nagbigay na ng policy ang IATF. However, nasa discretion ng local government unit ‘yan lalo na sa mga different areas na may higher quarantine position. Kung makikita nila na puwede namang lumabas ang mga bata na 5 years old and above dahil MGCQ na sila puwedeng mapayagan ng local government unit,” lahad ni treatment czar Leopoldo Vega nitong Sabado.

“Ang mga 5 years po, alam natin itong age group na ito mababa ang kanilang cases of COVID pero sinabi nga ng IATF na kung lalabas man sila better kung may minimum public safety kagaya ng mask, para ‘di nila makuha ang virus sa environment at public,” dagdag niya.

Noong Biyernes pinayagan na ng IATF na makalabas ang mga batang edad 5 pataas na nasa general community quarantine at modified GCQ area.

Ngunit limitado lamang ito at puwede lamang silang magpunta sa outdoor area kagaya ng mga parke, playground, beach, biking at hiking trail, outdoor tourist site at attraction.

Hindi pa rin sila puwede sa mga mall at iba pang katulad na establisyimento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?