73

Sep 8, 2021 @ 15:35
By

LGU hayaang magdesisyon sa lockdown

Dapat umanong hayaan ng national government ang mga lokal na pamahalaan na magdesisyon sa pagpapatupad ng quarantine sa kani-kanilang lugar upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., mas alam ng mga local government unit (LGU) ang nangyayari sa kanilang lugar dahil sila ang mga frontliner sa giyerang ito.

“The government itself says that the pandemic response should be LGU-led and national government-enabled. If that is the case, let our LGUs take the lead and ibigay na lang ng national government ang suporta na kailangan nila,” sabi ni Abante.

Maaari umanong ang mga gubernador ng probinsya at mga alkalde ng mga chartered city ang hayaang magdesisyon kung ano ang quarantine na dapat na ipatupad sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang mga mayor sa Metro Manila naman ay dapat magsama-sama at magdesisyon kung ano ang kanilang gagawin.

“The NCR mayors should not just be consulted, sila na dapat magdesisyon,” dagdag pa ni Abante. “It should be the other way around. Pwede magbigay ng input ang national government at experts nito, but since our mayors will be tasked to implement these recommendations, they should have the final say.”

Nauna rito ay binawi ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) with granular lockdown sa Metro Manila at pinananatili ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?