46

By

LGBT member, 2 pa huli sa P1.7M shabu sa condo

Umaabot sa P1.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa condominium na pag-aari ng SM Development Corporation (SMDC) sa Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ni acting Quezon City Police District (QCPD) Director Police Col. Ronnie Montejo ang mga naarestong sina Zainodin Encio, 45, residente ng Diliman; Emilyn Luna, 35, LGBT member, residente ng Barangay Tatalon; at Mark Mercado, 28, binata, graphic artist ng Brgy. Vasra ng nabanggit na lungsod.

Nakatanggap ng impormasyon kaugnay ng ‘drug peddling activities’ sa nasabing condo kaya agad na nagsagawa ng buy-bust ang mga pulis bandang alas-3:00 ng madaling-araw (November 18).

Isang pulis ang tumayong buyer at bumili ng halagang P5,000 shabu kay Encio kung saan ay naaktuhan pang umiiskor din si Mercado at Luna ng iligal na droga kaya kasama ang mga itong dinampot.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon, buy-bust money at dalawang cellphones na ginagamit sa drug deal.

Nabatid na si Encio ay dati nang naaresto sa pagiging big-time supplier umano ng shabu habang si Luna ay kabilang sa ‘ drug watch list’ ng Galas Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?