106

Jul 4, 2019 @ 16:34
By

LGBT community, hindi dapat lagyan ng label – Tagle

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na iwaksi ang diskriminasyon sa kanilang kapwa partikular sa hanay ng LGBT community o mga miyembro ng third sex.

Sa idinaos na pagtitipong Usapang Totoo at Katoto na inorganisa ng Archdiocese of Manila Commission on Youth sa San Isidro Catholic School sa Pasay City, sinabi ni Cardinal Tagle na lahat ng tao ay may ugali na nanghahamak o nanghuhusga sa kapwa na maaaring maituwid kung titingnan nito ang kapwa bilang kaniyang kawangis.

Paiiwanag niya, ang LGBT community ay kawangis din ng Panginoon at dapat nang itigil na ang pag-label o pag-uuri sa kanila.

Naniniwala ang cardinal na sa pagtanggap ng simbahan sa LGBT communty ay maitataguyod ng mga ito ang moralidad at dangal ng bawat tao bilang kawangis ng Diyos.

Umaasa rin si Cardinal Tagle na sa tulong din ng simbahan ay matutuklasan ng LGBT community ang kanilang tunay na bokasyon dahil naniniwala aniya siya na makatutulong ang talento ng mga ito sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Matatandaang buwan ng Hunyo ang tinawag na pride month ng LGBT community.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?