65
lindol-earthquake
By

Leyte, Cagayan, Pangasinan, niyanig ng lindol

Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng Leyte, Cagayan at Pangasinan nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa tala ng Phivolcs, nasa magnitude 3.3 na lindol ang tumama sa bayan ng Capoocan, Leyte bandang alas-12:29 ng madaling-araw.

May layo itong dalawang kilometro sa Hilagang Kanluran at may lalim na isang kilometro.

Habang tumama naman ang magnitude 3.4 na lindol sa Hilagang-Silangan ng bayan ng Sta. Ana sa Cagayan bandang alas-2:53 ng madaling-araw.

May layong 108 kilometro at may lalim na 19 kilometro at tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Samantala, nasa magnitude 3.0 na lindol naman ang tumama sa bayan ng Balungao sa Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang alas-6:28 ng umaga, sa southeast ng Balungao sa Pangasinan.

May lalim na 149 kilometers ang lindol at tectonic ang origin. Wala namang pinsala na naganap at wala ring naitalang aftershocks sa mga pagyanig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?