25

Sep 10, 2021 @ 12:02
By

Leylah Fernandez ratsada sa US Open finals

Tuloy ang pag-ukit ng kasaysayan ni Fil-Canadian Leylah Fernandez sa 2021 US Open matapos daigin ang world number two na si Aryna Sabalenka ng Belarus, 7-6 (3), 4-6, 6-4, ngayong Biyernes (oras sa Pilipinas).

Dahil sa panalo, tumulak sa finals ng torneo si Fernandez.

“There were so many things that are happening right now. I met Billie Jean King. I met Juan Martin Del Potro. I got Steve Nash in my box. I got my whole family,” pahayag ni Fernandez, na kaka-19 anyos lang.

Aabangan ni Fernandez ang magwawagi sa pagitan nina Emma Raducanu at Maria Sakkari sa finals.

Si Sabalenka ang pinakahuli sa mga mas liyamadong biktima ni Fernandez. Una nang pinatumba ng tinedyer sina Naomi Osaka, Angeli Kerber at Elina Svitolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?