53

Dec 28, 2017 @ 15:56

Lewis Hamilton, nag-sorry sa ‘boys don’t wear dresses’ remark

Humingi ng paumanhin si Formula One champion Lewis Hamilton sa pag-post niya ng video online kung saan makikitang sinisigawan niya ang pamangkin niyang lalaki dahil sa pagsusuot ng damit na prinsesa.

Binura na ni Hamilton ang naturang video at nagpaulan ng serye ng tweets matapos makatanggap ng kritisismo dahil sa pagkuwestiyon sa kasarian ng kanyang pamangkin.

Sa video kasi maririnig si Hamilton na sinasabihan ang kanyang pamangkin na bakit pinili nito ang kulay pink at purple dress para sa Christmas at iginiit na, “Boys don’t wear princess dresses.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?