81

By

‘Level of coordination’ sentro ng imbestigasyon sa misencounter sa Samar

Sharing is caring!

Tinututukan ngayon ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang level of coordination na ginawa ng mga pulis at mga miyembro ng Philippine Army na nag-operate sa Sta. Rita, Samar na nagresulta sa misencounter.

Ito ay makaraang aminin mismo ni 8th Infantry Division Commander Major General Raul Farnacio na nakipag-coordinate ang mga pulis sa detachment ng militar sa lugar tatlong araw bago nagpatrolya ang mga ito Sta. Rita noong Lunes.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, inaalam nila ngayon kung hanggang saan nakarating ang koordinasyon.

Hindi aniya sapat na sa isang detachment lang makikipag-ugnayan ang mga pulis na nag-operate dahil maraming unit ng AFP ang nag-o-operate sa lugar.

Gusto aniya nilang masagot ang tanong na bakit hindi nakarating sa operating unit ang koordinasyon.

“What we’re looking at here is the level of coordination kung hanggang saan nakarating ‘yung coordination na ‘yun. That is part of the investigation,” anang hepe.

Dagdag pa ni Albayalde, kung naging maayos man ang koordinasyon ng dalawang panig, kinakailangan pa rin umano ng PNP na maghintay ng go signal sa militar bago pa rin makapag-operate sa kaparehong lugar.

Aniya, Standard Operating Procedure o SOP ang ganitong proseso.

Sa naganap na misencounter sa pagitan ng mga pulis at militar, anim na pulis ang namatay habang siyam ang sugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?