abante-tnt-vismin-marikina-river
By

Level ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal

Sharing is caring!

Nananatiling nasa normal level pa ang Marikina River kasabay ng patuloy na pagbuhos ng ulan bunsod ng bagyong Domeng at hanging habagat.

Base sa report, bandang alas-sais ng umaga ngayong Linggo ay namonitor ang Marikina River at nasa normal range pa rin ang tubig nito at kapag umabot sa 15 meters ay agad na idedeklara ang first alarm.

Agad na ipinalilikas ang mga residente sa posibleng pagbaha kapag umabot na ito sa unang alarma dahil mabilis umanong tumaas ang tubig at kailangan ng agarang pagkilos upang masigurong ligtas ang lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?