15
ABANTE nash aguas direk actor

Level up! Nash Aguas sumabak na sa pagdidirek

Sharing is caring!

‘Direk’ na rin pala ang tawag ngayon kay Nash Aguas na sa edad na 19 ay maituturing na isa sa pinaka-bagets na direktor ngayon sa ABS-CBN. Isa pang proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya ng pamunuan ng Kapamilya network tungkol sa kapapalabas pa lang na mobile series nito na may titulong Coffee Break.

Noon pa raw ay idea na ito ni Nash kaya nang banggitin niya sa kanyang mga kaibigan, ito ang mga nangulit na ilapit niya sa ABS-CBN, kaya nga raw nang magkaroon ng pagkakataon, iprinisinta niya ito at nagustuhan naman.

But since idea raw niya ito, siya na rin ang pinadirek at pinahanap ng cast kaya nga, sobrang happiness overload ang naramdaman niya dahil isa na namang pangarap niya ang natupad.

Kaya, mula sa pagiging isang mahusay na aktor sa The Good Son, tumatawid na ngayon si Nash sa pagiging isang direktor kung saan sana nga raw ay makadirek din siya ng isang teleserye o pelikula sa darating na araw.

Bakit naman hindi? Eh, talents overload din siya, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?