2,109

By

Letse ka! – Duterte nang sabihang tamad ni Trillanes

Sharing is caring!

Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV matapos punahin ang kanyang pagliban sa ilang event sa Singapore at tawagin itong may sakit o tinamad.

Sinabi ng Pangulo na madaling-araw na sila dumating sa Singapore mula sa Davao City at kinailangan pang mag-ayos ng kanilang mga gamit.

Nakita aniya sa imbitasyon na ‘informal breakfast’ ang schedule sa mga opisyal ng Australia sa ASEAN summit at dahil informal at hindi naman siya kumakain ng agahan ay nagpasyang si Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin na lamang ang padaluhin.

Pinalaki aniya ng mga kritiko at ni Trillanes ang hindi nito pagdalo kaya kinastigo ito at tinawag na letse.

“Binabatikos ako ni Trillanes tamad ako, ah letse ka. Pati ba naman yang informal pagbigyan mo pa? I skip the… kasi dumating kami sa Singapore from Davao 1:30 am. So we had to fix our things. At itong mga Australyano hindi ko rin maintindihan. Ang invitation 8:30 am , informal breakfast. Sabi ko sa mga sundalo bakit ako pupunta doon, unang-una hindi ako kumakain ng breakfast, eh matulog na lang. Pangalawa, informal man… anong ipakain diyan sa atin informal? kangaroo?,” anang Pangulo.

Bukod sa Asean-Australian meeting ay tatlo pang event ang hindi dinaluhan ng Pangulo sa ikalalwang araw ng summit at sa halip ay nagbawi ito ng tulog dahil sa pagod at puyat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?