188

By

Letran star Bong Quinto akyat na sa PBA

Opisyal nang inanunsyo ni Bong Quinto na papasok siya sa PBA Draft.

Ito ay matapos maglabas ng farewell letter ang Letran forward na kanyang inihandog sa kanyang mga teammates, coaches, at Letran community.

“PBA is the goal,” sabi ni Quinto na nagtagal ng limang taon sa Letran.

Bago tuluyang sabihin ang kanyang intensyon ay binalikan ng Season 94 Mythical Five member ang masakit na pagkatalo laban sa Lyceum sa Final Four na humadlang sa kanyang mithiin na makapag-champion muli.

“I’ve experienced defeats before, but this one just hit me differently. It was one of those losses in which you don’t feel like going out, talking about, or even putting something in your stomach,” saad ni Quinto.

“There are other pains and aches I don’t need to go into. I figured enough is enough, and at some point I have to get up and embrace my next chapter.”.

Isa si Quinto sa mga malalakinyg pangalan na inaabangan ng mga tao na makapapasok sa PBA Draft sa darating na Disyembre 16.

Bagamat lilisanin na ang kanyang Alma Mater, lubos pa rin nagpasalamat si Quinto sa mga sumuporta sa kanyang matagunpay na college career lalo na sa Letran community.

“I’m leaving but that doesn’t mean I’m not taking the Arriba spirit with me as I carry on in my new journey,”

‘It’s already a part of me—I will keep moving forward with that fiery spirit and words that gave me the biggest motivation throughout my whole college career,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?