2

By

Letran nasakote ang 2nd ‘W’ sa pabibo nina Fajarito, Muyang

Sharing is caring!

Tinuhog ng Letran Knights ang pangalawang sunod na panalo matapos payukuin ang Jose Rizal University 74-58 kanina sa 94th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Sinuportahan nina veteran JP Calvo at Bong Quinto ang kanilang mga top scorer upang ilista ang 2-1 karta para sa Knights.

Naghabol ng tatlong puntos sa first canto, umaro ang Knights sa second upang maagaw ang bandera 39-31 sa halftime.

Sa third period tumodo sa opensa ang Letran kaya nahawakan nila ang malaking bentahe 65-43 papasok ng fourth canto.

Kumana si former College of Saint Benilde star Christian Fajarito ng 14 points, walong rebounds at dalawang blocks habang tumipa si ex-De La Salle University big man Larry Muyang ng 14 puntos, siyam na boards at tatlong assists para sa Intramuros-based squad Letran.

“We are blessed to have been gifted big men this season,” saad Letran coach Jeff Napa.

Si Fajarito bumanat sa opensa sa second quarter habang si Muyang ang bumida sa third period.

Siyam at walong puntos ang binakas nina Calvo at Quinto, ayon sa pagkakasunod, para sa Letran habang tig-pito ang tinikada nina Jerrick Balanza at Jeo Ambohot.

Kumana sa opensa para sa JRU si Jed Mendoza na may 16 markers, limang assists at apat na rebounds. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?