4

By

Letran martsang semis: Muyang, Batiller humagibis

Sharing is caring!

Umariba na patungong Final Four ng men’s basketball ng NCAA 94 ang Colegio de San Juan de Letran Knights nang pataubin ang San Sebastian College-Recoletos Stags, 79-61, Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi pinagbigyan ng Knights na makahabol ang Stags at pinagpatuloy ang pag-alagwa sa simula pa lang ng laro hanggang sa tuluyan nang maselyuhan ang laro.

“Siyempre thankful talaga umabot kami sa ganitong sitwasyon pero hindi naman ito ang gusto naming mangyari. Meron pa kaming last two games na kailangang trabahuin before we look forward doon sa Final Four,” saad ni Letran coach Jeff Napa.

Huling nakatungtong sa Final Four ng liga ang Letran noong season 91 at dito rin nila nasungkit ang huli nilang kampeonato.

Hindi rin aniya iniisip ng tropa kung makakasikwat sila ng twice-to-beat advantage bagkus mas magtatrabaho pa sila para sa kanilang koponan.

Nanguna para sa Knights si Larry Muyang na may 15 puntos, 13 rebounds at tatlong assists katuwang si Bonbon Batiller na may 15 puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

“Hindi ko inakala na ganito na naman ‘yung magiging laro ko. Siguro dahil din sa practice namin na araw-araw,” wika ni Muyang.

Bitbit na ng Letran ang 12-4 na baraha at nasa ikatlong pwesto sila habang patuloy ang pagbagsak ng Stags na bitbit ang 4-12 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?